Pagkakatalaga kay Lt. Gen. Faustino bilang susunod na AFP Chief of Staff, welcome sa militar

Ikinatuwa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakapili ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Lieutenant General Jose Faustino bilang susunod na hepe ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Papalitan ni Faustino si AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana, na nakatakdang magretiro sa serbisyo bukas, July 31.

Si Faustino ang kasalukuyang Commander ng Joint Task Force Mindanao, na naging dating Acting Commanding General ng Philippine Army

Bago iyon, si Faustino ang dating Commander ng AFP Eastern Mindanao Command.

Ayon kay AFP Spokesperson Navy Captain Jonathan Zata, ang karanasan at sigasig sa paglilingkod ng heneral bilang Commander at Staff Officer, ay naangkop para pangunahan ang AFP sa misyon nito na makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa.