Pagkakasama ni Pangulong Duterte sa Time magazine bilang isa sa strongman leaders, ikinatuwa ng Palasyo

Ikinatuwa ng Palasyo ang pagkakasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa cover ng Time magazine bilang isa sa strongman leaders.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na kung may unang unang nagbibigay halaga o kumikilala sa liderato ni Pangulong Duterte, ito’y walang iba kundi ang mga Pilipino mismo.

Katunayan aniya dito ang nananatiling mataas na satisfaction approval, trust at performance ratings ng Pangulo.

Nagawa aniyang maipakita ng Chief Executive sa iba’t ibang lider ng mundo na ang problema ng iligal na droga ay isang global burden dahilan upang maunawaan ng mga ito ang drug war ng Pilipinas sa ilalim ng Duterte administration.

Sa gitna nito’y muling iginiit ni Roque na ang istilo ng Pangulo sa pagkakamit ng hustisya ay nakasalig sa umiiral na batas at ang lahat ng drug related killings ay masusing iniimbestigahan. | via Alvin Baltazar