Pagtatatag ng Government Strategic Communications Academy, aprubado na ng DBM

Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang hiling ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na magkaroon ng Government Strategic Communications Academy o training Facility.

Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, may go signal na ang DBM para maisama sa 2020 budget proposal ang kanilang hiling sa palikha ng Government Strategic Communications Academy.

Ang academy ayon kay Andanar, ay ang institusyon na magtuturo ng communications strategy sa lahat ng mga information officer mula sa national government hanggang sa local government pati na sa mga barangay.

May sariling radio at TV station ang Government Communication Academy, ganundin ng sariling news agency at sariling social media desk, na ilalagay sa Bukidnon.

Isasalang na lamang aniya ito sa Kongreso at kumpiyansa ani Andanar silang lulusot ito, sa tulong na rin ng mga kaibigang mambabatas gaya nina Representative Malou Acosta at Senador Migz Zubiri.