Pagkakaibigan ng Pilipinas at Malaysia, mas tumibay sa pagkikita nina Pangulong Duterte at ni Prime Minister Mahathir Mohammad

Mas naging matibay ang pagkakaibigan ng Pilipinas at ng Malaysia kasunod ng bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at ni Malaysian Prime Minister Mahathir Mohammad.

Sa pulong ng dalawang lider, pinasalamatan ng Pangulong Duterte si PM Mahathir sa naging imbitasyon nito sa kanya.

Pinagtibay din kapwa nina Pangulong Duterte at ni Mahathir ang bilateral relations ng dalawang bansa habang tiniyak din ng Pangulo ang pagpapalakas sa ilang aspeto ng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Malaysia.

Kabilang na dito ang pagpapatibay sa defense at security cooperation hindi lang sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia kundi maging sa Southeast Asia.

Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, isang oras ang itinagal ng pulong nina Pangulong Duterte at ni Mahathir. | ulat ni Alvin Baltazar