Pagkakaibigan ng China at ng Pilipinas, nananatili

Sa kabila ng hindi paborableng pagtugon ng China sa hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagkakapanalo ng Pilipinas sa Arbitral Court, tiniyak kapwa nina President Xi Jinping at ng Presidente na nananatili ang pagkaka-ibigan ng Pilipinas at ng China.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, bagamat may differences o magkaka-ibang pananaw at paninindigan ang dalawang lider sa iba’t ibang mga usapin, hindi naman aniya ito kumakatawan sa sumat-total ng Philippines-Chinese bilateral relationship.

Sa harap nito’y nagkasundo ani Panelo kapwa ang dalawang lider na patuloy lang na magtulungan at panatilihin ang¬†mutual trust at good faith upang maresolba ng maayos at mapayapa ang isyu sa South China Sea.

Hindi rin aniya naka-ankla lang sa kani-kaniyang posisyon ang matagal ng pagkaka-ibigan ng dalawang bansa at sa halip, ang dapat na mangibabaw dito ay kung ano ang mabuti para sa mga tao.

Matatandaang inungkat ni Pangulong Duterte kay President Xi ang karapatan at panalo ng Pilipinas sa Arbitral Court kagabi pero muling pinanindiganan ng Chinese leader na hindi nila kinikilala ang pasya ng Arbitral Court.