Pagkakahanay ng mga gobernador at alklade sa A1.5 priority group, idinepensa ng Palasyo

Ipinagtanggol ng Palasyo ang pagkakasama ng mga local chief executives sa A1.5 group kasunod ng mga medical workers at bago ang mga senior citizen.

Depensa ni Presidential spokesperson Harry Roque sa mga gobernador at mga alkalde, sila kasi ang nagpapatupad ng vaccination, lockdown at instrumento sa paglaban sa COVID-19.

Dagdag ni Roque na sila din ang nagpapatupad ng Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Rehabilitation na pawang importanteng sangkap sa pagtugon laban sa COVID-19.

Maaaring hindi aniya nga sila doktor pero maituturing naman talaga silang kahanay ng mga frontliners.

Lahat aniya ng istratehiya na ipinatutupad ng pamahalaan na may kinalaman sa COVID ay mga alkalde at gobernador ang humaharap.