Pagkaharang ng mga awtoridad sa sinasabing pinakamalaking wildlife illegal trade sa bansa, welcome development para sa DENR

Ikinalugod ng liderato ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang matagunpay na pagkaharang ng mga awtoridad sa sinasabing pinakamalaking wildlife illegal trade sa bansa.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, malaking accomplishment ito sa conservation efforts ng ahensya at babala na rin sa mga poachers na seryoso ang gobyerno na panagutin sila sa batas.

Una dito ipinag-utos na ni Cimatu ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa apat (Abraham Fulla Bernales, Juner Bawenti, Nestor Torion and Jose Bandingan) na nahuling suspek sa paglabag sa Republic Act 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Matatandaan, aabot sa 300 smuggled live animals ang naharang sa pinagsanib na pwersa ng Environmental Crime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Philippine Operations Group of Ivory and Illegal Wildlife Trade ng DENR.

Samantala, isasailalim naman sa dalawang buwang quarantine ang mga na-rescue na wildlife species na mula pa sa Indonesia. | via Shane Juan