Pagiging simple ng nakatakdang SONA ni Pangulong Duterte, muling tiniyak ng Palasyo

Tiniyak ng Malakanyang na mananatiling simple at hindi magarbo ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, hindi lilihis at walang pagbabagong mangyayari sa nakagawian na ng Pangulo na gawing simple ang kanyang SONA na tinularan na din ng mga dumadalong VIP.

Maaari ayon kay Roque na hindi ito maging pabor lalo na sa hanay ng mga kababaihan na tila pigil sa pagsusuot ng kani-kanilang mga glamorosong gown ngunit nagawang makapagsuot naman ng simpleng kasuotan sa dalawang nagdaang SONA sa ilalim ng Duterte Administration.

Dagdag pa ni Roque na maaari namang maging elegante ang isusuot bagama’t simple lamang ito para sa nalalapit na okasyon.

Sa Hulyo 23 ang ikatlong pag-uulat sa bayan ni Pangulong Duterte kung saan una nang sinabi ng Malakanyang na posibleng umabot lang sa 35 minuto ang haba nito.






 | ulat ni a Alvin Baltazar