Paghirang ng Pangulo kay NCRPO Director Oscar Albayalde bilang susunod na PNP Chief, welcome sa PNP

Malugod na tinanggap ng PNP ang paghirang ng Pangulong Duterte kay NCRPO Director Oscar Albayalde bilang susunod na PNP Chief.

Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson CSupt. John Bulalacao sa isang statement matapos na ianunsyo ng Pangulong Duterte na si Albayalde ang magiging susunod na PNP Chief.

Ginawa ng Pangulo ang announcement sa kanyang mensahe sa Gawad Saka ceremonies sa MalacaƱang ngayong hapon.

Tiniyak ni Bulalacao na ibibigay ng buong 190,000 pwersa ng PNP ang kanilang supporta sa incoming PNP Chief.

Ayon kay Bulalacao, ang proven track record ni Albayalde ay makasisiguro na masusustine niya ang mga polisiya ng pamahalaan sa peace and order.

Si PNP Chief Dir. Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ay dapat sanang nagretiro noong kanyang ika-56 na kaarawan noong Enero 21, pero inextend ng Pangulo ang kanyang pagseserbisyo. | via Leo Sarne