Paghirang kay Honasan sa DICT, produkto ng trust and confidence ng Pangulo – Palasyo

Tiwala at kumpiyansa ang naging basehan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatalaga kay Sen. Gringo Honasan bilang susunod na kalihim ng Department of Information and Communciations Technology (DICT).

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kumpiyansa ang Pangulo na kwalipikado si Honasan sa naturang pwesto.

Nasa Commission on Appointments (CA) na rin ang pagpapasya kung papalusutin si Honasan.

Sa ilalim ng Republic Act 10844, kinakailangan na ang itatalagang kalihim ng DICT ay mayroong pitong taong competence at  expertise sa information and communications technology, information technology service management, information security management, cybersecurity, data privacy, E-Commerce, or human capital development sa ICT sector. | ulat ni Alvin Baltazar