Paghihiganti, motibo ng Abu Sayyaf sa 2 pambobomba sa Jolo, Sulu – Militar

Paghihiganti ng Abu Sayyaf ang tinitignang motibo ng militar sa dalawang pagpapasabog sa Jolo Cathedral kahapon.

Una nang tinukoy ni Col. Besana, ang Adjang-Adjang group, na bahagi ng Abu Sayyaf bilang suspek sa pambobomba, batay sa nakuhang CCTV footage ng mga otoridad.

Mukha aniyang mga bagong recruit ang ginamit, at malamang ay test mission para sa kanila ang pambobomba sa Jolo Cathedral.

Posible aniyang ang pambobomba ay paghihiganti sa pagkakapatay ng isang ASG sub-leader.

Sa ngayon, ay nagpapatuloy ang post-blast investigation upang matiyak ang “signature” ng improvised explosive device (IED) na ginamit sa pagpapasabog.

Iniimbestigahan din ng probe team ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP),  kung nagkaroon ng security lapses kaya nakalusot ang dalawang IED. | ulat ni Leo Sarne