Paghahatid ng bakuna walang problema sa mga checkpoint — Eleazar

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar na hindi sagabal ang mga checkpoint sa paghahatid ng bakuna mula sa cold storage facility sa Marikina patungo sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila.

Ayon kay Eleazar, may instructions na ang mga pulis sa checkpoint na paraanin agad ang lahat ng uri ng cargo.

Bukod dito aniya ay may police Escort ang mga naghahatid ng bakuna kaya mabilis itong nakakarating sa kanilang destinasyon.

Una nang sinabi ng pamumuan ng Pharmaserv Express na walang aberya sa pag-iimbak nila ng mga bakuna, pero nagkakaroon umano ng hamon sa paghahatid nito sa iba’t ibang mga LGU.

Ito’y dahil sa sensitibo ang mga bakuna at posible itong mapanis sa maling temperatura o kaya ay masira kapag masobrahan ng alog.