Paghahati sa Maguindanao sa dalawang probinsya, aprubado na ni Pangulong Duterte. Ekstensyon ng transition period ng BARMM, nasa kamay na ng Kongreso, ayon sa Malacañan

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na maghahati sa Maguindanao bilang dalawang probinsya.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa ilalim ng batas, ang dalawang bagong probinsya na ito ay tatawagin bilang Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

“And the reason why they were there in the first place was the signing of appeal dividing the Province of Maguindanao to Sur and to Norte. So that was the reason,” sabi ni Secretary Roque.

Samantala, kaugnay naman sa isinusulong na ekstensyon ng transition period ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) hanggang 2025, ayon kay Secretary Roque, pinakikinggan ni Pangulong Duterte ang lahat ng concern dito.

Gayunpaman, nasa Kongreso pa rin aniya ang bola sa pagaksyon sa usaping ito, lalo’t kailangan ng panukala na a-amyenda sa batas, upang maisakatuparan ito.

“Of course, the President listens to everyone. But the President has always been consistent that he leaves the issue of extending the transition period in the BARMM to Congress. And that both the BARMM officials and the local government officials should coordinate closely with our senators and our congressmen,” dagdag pa ni Secretary Roque.