Paghahanda para sa nationwide Martial Law, pinasinungalingan ni PNP Chief Bato

Pinasinungalingan ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang akusasyon na ang pagbabalik ng subpoena powers sa PNP ay paghahanda para sa pagpapatupad ng nationwide Martial Law.

Pinasinungalingan ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang akusasyon na ang pagbabalik ng subpoena powers sa PNP ay paghahanda para sa pagpapatupad ng nationwide Martial Law.

Ayon sa PNP Chief, walang basehan ang naturang alegasyon dahil dati ng may subpoena power ang mga pulis noong panahon ng PC-INP at ito ay ibinalik lang pagkatapos na alisin nang itatag ang PNP.

Kasabay nito binigyang-diin ng PNP Chief na ang hakbang ay hindi magriresulta sa mga warrantless arrest.

Sa isang press conference sa Camp Crame, ipinaliwanag ni Dela Rosa na hindi pwedeng tumuloy sa pag-aresto ang pag-isyu ng subpoena ng PNP.

Hindi aniya ito katulad ng kapangyarihan ng Kongresso na pwedeng ipaaresto ang mga sumuway sa subpoena dahil sa ‘indirect contempt.’

Kung mayroon aniyang sumuway sa subpoena ng PNP, kailangan pa nilang idulog ito sa korte para maisyuhan ng warrant bago arestuhin ang isang ipina-subpoena.  | via Leo Sarne