Paggawad ng hazard pay sa government employees na pisikal na pumapasok sa trabaho, sa ilalim ng ECQ at MECQ, ipinag-utos ni Pangulong Duterte

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng hazard pay sa mga government personnel na pisikal na pumapasok sa kanilang trabaho habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ), at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Sa ilalim ng Administrative Order no. 43, nakasaad na hindi dapat lalampas sa P500 ang dapat na ibigay sa mga empleyado ng national government, GOCCs at maging State Universities and Colleges (SUCs).

Pasok dito, mapa-regular, contractual o casual positions, maging ang mga contract of service (COS) at Job Order (JO).

Kailangan lamang matiyak na otorisado ang pagpasok ng mga ito sa kanilang tanggapan, at pasok sa official working hours, habang umiiral ang ECQ at MECQ.

Para naman sa mga kawani ng mga LGUs o baranggay, ang kanilang Sanggunian ang magde-determina ng hazard pay na igagawad sa mga ito base sa kanilang financial capability ngunit hindi dapat lalampas ng P500.

Pirmado ng pangulo ang AO, ika-1 ngayong Hunyo, 2021.