Paggamit ng S-PASS, ipinatupad na sa mga PUV na bumibiyahe sa inter-regional at inter-provincial routes -LTFRB

Ipinatupad na ng Land Transportation Franchising ang Regulatory Board ang paggamit ng SAFE, SWIFT, and SMART PASSAGE (S-PASS) Travel Management System sa mga pampublikong sasakyan na bumibiyahe sa mga inter-regional at inter-provincial routes.

Layon nito na maging one-stop communication platform sa pagitan ng mga pasahero at mga local government units.

Hiniling na noon ng League of Provinces na ipatupad ang ganitong sistema para ma-monitor ang mga pumpasok sa kani-kanilang lugar, lalo na ang mga hindi Authorized Personnel Outside of Residence (APORs).

Dahil dito, kinakailangang ipaalam ng mga PUV operator sa kanilang mga pasahero ang pag-register sa S-PASS system bago kumuha ng ticket.

Bukod tanging mga pasaherong tumugon sa StaySafe.ph contact tracing at mayroong S-PASS lamang ang papayagang makasakay sa Public Utility Buses .