Paggamit ng face shields sa indoor o enclosed spaces, iri-rekomenda ng IATF kay Pangulong Duterte

Iri-rekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagiging mandatory ng pagsusuot ng face shields sa mga enclosed o indoor spaces ng ospital, paaralan, workplaces, commercial establishments tulad ng food establishments, malls, at public market.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kabilang rin dito ang public transport, terminal, at mga worship places.

“The IATF resolved to recommend to President Rodrigo Roa Duterte the mandatory wearing of face shields in enclosed / indoor spaces of hospitals, schools, workplaces, commercial establishments (such as but not limited to food establishments, malls and public markets), public transport and terminals, and places of worship.”

Sinabi ng kalihim na habang wala pang desisyon si Pangulong Duterte sa usaping ito, mananatiling epektibo ang existing policy kaugnay sa paggamit ng face shileds.

“While waiting for the President’s decision on the matter, the existing policy on the use of face shields remains in effect.”