Pagdeklara ng persona non grata ng Maasin, Iloilo sa CPP-NPA, pinuri ng militar

Pinuri ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Iloilo City ang pagdeklara na ng munisipalidad ng Maasin, Iloilo sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army  (CPP-NPA) bilang persona non grata.

Ito ang kauna-unahang munisipalidad ng Iloilo na nagdeklara sa komunistang grupo, na wala nang puwang na makapasok at maghasik ng kaguluhan sa munisipalidad.

Ayon kay LTCol Joel Benedict Batara, commanding officer ng 61st Infantry Battalion, tama lang ang pasya ng alkalde ng munisipalidad at Municipal Peace and Order Council na nagpasa ng resolution para kundinahin ang terroristic activities ng CPP-NPA.

Hinikayat pa nito ang iba pang munisipalidad, na gumaya na rin upang tuluyan nang maitaboy ang teroristang grupo at hindi na makaperwisyo pa.

Noong June 2017, nilusob ng may 50 armadong CPP-NPA terrorists ang Maasin Police Station at tinangay ang mga armas at personal belongings ng mga pulis.