Pagdating ng US Aircraft Carrier USS Carl Vinson sa bansa, walang kaugnayan sa Benham Rise isyu – DND Lorenzana

Ayon sa US Embassy, ang pagbisita ay bahagi ng routine maritime operations, pag-promote ng freedom of navigation, at pakikipagtulungan sa mga kaalyado sa pagsulong ng seguridad at katatagan sa rehiyon.

Walang kinalaman ang pagdating sa bansa ng US aircraft carrier USS Carl Vinson, sa isyu ng Benham Rise na ngayon ay kilala bilang Philippine Rise.

Ito ang binigyang-diin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasabay ng pagsabi na nananatiling maganda ang relasyon ng Pilipinas sa China.

Ito ay sa kabila ng ginawang pagpapangalan ng China sa limang undersea features sa Philippine Rise na sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Una nang sinabi ng kalihim na hindi problema kung ano man ang ipangalan ng China sa mga naturang undersea features basta’t ginagalang nila ang soberenya ng Pilipinas.

Sa isang press release ng US embassy sa Manila, inanunsyo ang pagbisita sa bansa ng USS Carl Vinson, isa sa pinakatanyag na aircraft carriers ng Estados Unidos na nag-ooperate sa Indo-Pacific Region.

Ayon sa US Embassy, ang pagbisita ay bahagi ng routine maritime operations, pag-promote ng freedom of navigation, at pakikipagtulungan sa mga kaalyado sa pagsulong ng seguridad at katatagan sa rehiyon. | Leo Sarne