Pagdagdag ng health facilities, COVID-19 beds, at health care personnel, tinutukan ng pamahalaan, kasabay ng ECQ at MECQ sa NCR+ bubble

Tinutukan ng pamahalaan ang pagpapalakas sa health care system ng bansa nitong mga nakalipas na linggo, habang nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang National capital Region (NCR) Plus bubble.

Ayon kay Testing Czar Secretary Vince Dizon, nakapagtayo ang pamahalaan ng karagdagang 635 health facilities, 23,241 additional COVID-19 beds, at bumili ang bansa ng 500,000 Rapid Antigen Test kits.

Bukod dito, nagkaroon rin aniya ng karagdagang 14,668 human resources para sa health care, at naglaan ng ₱7-billion pesos para sa benepisyo ng mga HCW.

Nakapamahagi rin aniya ng 107 million sets ng personal protective equipment (PPEs), habang nasa higit 1.8 million doses na ng COVID-19 vaccines ang naiturok.

Samantala, ang peak naman ng COVID-19 test na nagagawa ng bansa kada araw ay umakyat na sa higit 67,000.

Ayon kay Secretary Dizon, mula sa 25.22% na national positivity rate noong April 2, napababa na ito sa 16.7%