Pagco-convene ng pulong ng PDP Laban upang talakayin ang ilang mga usapin, ipinagutos ni Pangulong Duterte

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Energy Secretary Alfonso Cusi, na siya ring tumatayo bilang Vice Chairman ng PDP-Laban na mag-organisa, at pangunahan ang council meeting sa kanilang hanay.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong hapon.

“Energy Secretary Alfonso Cusi as Vice Chairman of the ruling party PDP-Laban was directed by President Rodrigo Roa Duterte, who serves as Chairman, to organize, convene and preside over the council meeting,” sinabi ni Secretary Roque.

Ayon sa kalihim, ang hakbang na ito ay bahagi ng democratic exercise, na layong konsultahin ang mga miyembro ng kanilang partido.

“This move, which is part of the democratic exercise, aims to consult party members and have fruitful and productive exchanges on issues affecting PDP-Laban,” dagdag pa ni Secretary Roque.

Layon din aniya nito na magkaroon ng produktibong palitan ng opinyon o pahayag kaugnay sa mga usaping mayroong kinalaman ang PDP-Laban.

“This move, which is part of the democratic exercise, aims to consult party members and have fruitful and productive exchanges on issues affecting PDP-Laban,” ayon kay Secretary Roque.