Pagbuwag sa Road Board, kailangan munang gawin bago magkaroon ng pondo para sa Manila Bay rehabilitation

Kailangang mabuwag muna ang Road Board bago magamit ang Road Users’ Tax para sa gagawing rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ito ang ginawang paglilinaw ng Palasyo kaugnay ng gagawing paglilinis ng pamahalaan sa Manila Bay na posibleng tumagal ng pitong taon.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ibabalik sa National Treasury ang pondo sa sandaling mabuwag na ang Road Board.

Mula doo’y saka maghahain ng panukalang batas para sa alokasyon ng Manila Bay rehab.

Paniniguro ng tagapagsalita, agad na lalagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na napagtibay na ng dalawang kapulungan ng Kongreso.  | ulat ni Alvin Baltazar