Pagbuo sa framework ng Code of Conduct, napagkasunduang balangkasin na sa nalalabing panahon sa termino ni Pres. Duterte

Nagkasundo kapwa sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping na magbalangkas na ng COC o Code of Conduct sa South China Sea.

Kasunod na rin ito ng ginawang paninindigan ni Pangulong Duterte na malaki ang magagawa ng Code of Conduct upang maresolba ang napakaraming conflict sa pinagtatalunang lugar sa South China Sea.

Sinang-ayunan naman ito ng Chinese President na nagsabing dapat ngang masimulan na ang pagbalangkas ng COC sa tatlong taon na lamang na natitira sa termino ni Pangulong Duterte.

Ang Pilipinas ang itinalagang country coordinator ng ASEAN-China Dialogue Relations.

Bukod sa COC, kasama ding napag-usapan sa bilateral meeting ng dalawang lider ang isyu sa joint exploration, Recto Bank incident at ang desisyon ng Arbitral Court na hindi naman kinikilala ng China.