Pagbuo ng Traffic Inter-Agency Mgt. Council, lusot na sa committee level

Mabilis na inaprubahan ng House Committee on Transportation ang panukala para sa pagbuo ng Traffic Inter-Agency Management Council (TCIAMC).

Base sa House Resolution 353 na naglalayong bumuo ng TCIAMC, kasama na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga ahensya na tututok sa daloy ng trapiko.

Ayon kay Transportation Committee Chairperson Edgar Mary Sarmiento, isinama ang DILG sa task force para i-harmonize ang magkakaibang traffic regulation sa 17 lungsod sa Kamaynilaan.

Suportado naman ng iba’t ibang stakeholders ang naturang resolusyon.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA General Manager Jojo Garcia, mas magkakaroon ng ngipin ang pagmamando sa trapiko.

Inihalimbawa pa nito ang epektibong pamamalakad ng DILG pagdating sa isinasagawang clearing operations sa mga obstruction sa daan.