Pagbuo ng National Rice Reserve, iminungkahi ng National Food Authority

Sa kabila ng pagkaubos ng suplay ng NFA rice sa merkado, iminungkahi na ng National Food Authority sa Legislative Executive Advisory Council ang pagbuo ng National Rice Reserve.

Ayon kay NFA Administrator Jason Aquino, ang reserba ay katumbas dapat ng 15 days national consumption requirement.

Ang National Rice Reserve ay dapat panatilihin kahit sa panahon ng rice surplus dahil walang katiyakan sa tuluy-tuloy na masaganang ani bawat taon dahil sa pagdating ng kalamidad.

Aniya, hindi dapat iasa ang food security ng bansa sa pribadong sektor, sa halip ay magpatupad ng hakbangin kung paano mapapatatag ang seguridad sa pagkain. | via Rey Ferrer