Pagbuo ng Dept. of OFW, sinimulan nang dinggin sa Kamara

Sinimulan na ng House Committee on Government Reorganization ang pagtalakay sa mga panukala na layong magtatag ng Department of Overseas Filipino Worker (OFW).

Sa kabuuan, mayroong mahigit tatlumpung panukala ang inihain sa mababang kapulungan para sa pagtatatag ng isang departamento na tututok lamang sa kalagayan ng mga OFW.

Isa na dito ang House Bill No. 2, na iniakda ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Bukod sa pagtatatag ng ahensya para sa mga OFW, kasama rin sa panukala ang pagkakaroon ng OFW Malasakit Centers sa mga probinsya at lahat ng major cities sa bansa, at pagbubukas ng isang Overseas Filipino Assistance Fund.