Pagbuga ng Sulfur Dioxide ng bulkang Taal, bumaba nitong magkasunod na dalawang araw

Bumaba na sa average na 2,009 toneladang sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkang Taal kahapon.

Sa ulat ng The Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), dalawang araw nang nakitaan ng pagbaba ng sulfur dioxide emission mula ng bumuga ito ng halos 10,000 tonelada noong June 10.

Sa pinakahuling bulletin na inilabas ngayong umaga ng Phivolcs, wala pa ring naitalang volcanic earthquake ang bulkan sa nakalipas na 24 oras.

Kahapon nagkaroon pa ng steaming activity na may taas hanggang 1,500 meters at napadpad sa bahagi ng hilaga at hilagang kanluran at timog kanluran. Kaninang umaga, hindi nakitaang bumuga ng usok ang bulkan maliban sa nabalutan ito ng hamog.