Pagbubukas ng klase ngayong araw, “so far, so good” – PNP chief

“So far, so good” ang pagbubukas ng klase ngayong araw na ito.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Director General Oscar Albayalde na nagsabing wala pang natatanggap na report na untoward incident ang PNP Monitoring Center mula sa kanilang field personnel hanggang kaninang umaga.

Una nang ipinag-utos ng PNP chief ang paglalagay ng mga police assistance desk sa bawat paaralan na mamandohan ng at least dalawang pulis.

Maliban pa aniya ito sa mga Security personnel na naka-assign sa mga cluster ng mga eskwelahan.

Ayon sa PNP chief, mananatili ang mga pulis sa mga paaralan hanggang sa mag-normalize ang school activities. | ulat ni Leo Sarne