Pagbasura ng QC RTC sa TRO laban sa implemetasyon ng Road Transportation IT Infra Project, ikinatuwa ng DOTr-LTO

Ikinatuwa ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) ang pagbasura ng Quezon City Regional Trial Court sa petition para sa temporary restraining order (TRO) laban sa implementasyon ng Road Transportation IT Infrastructure Project.

Nag-ugat ito sa reklamo ng isang Atty. Salvador Belaro, Sr., na iginiit na ang paghati-hati ng proyekto sa iba’t ibang components ay lalabag na sa Republic Act No. 9184 o Government Procurement Reform Act.

Base sa desisyon ng korte, sinabi nito na nabigo ang complainant na patunayan ang batayan sa paghingi ng TRO.

Ayon kay LTO Assistant Secretary Edgar Galvante, wala nang balakid ngayon sa pagtatatag ng isang state-of-the-art at ISO-compliant IT system na tutugon sa pangangailangan ng mga ahensya sa kanilang operasyon.

Kabilang na rito ang pagkakaroon ng LTO online platform na magpapabilis sa mga transactions. | ulat ni Rey Ferrer