Pagbalik ng power suplay sa mga kabahayan na hinagupit ng bagyong Ompong halos patapos na ayon sa NEA

Nasa 87% na ng mga kabahayan na nawalan ng suplay ng kuryente noong nananalasa ang bagyong Ompong ang naibalik na sa normal na operasyon.

Base sa latest data ng National Electrification Administration (NEA), naibalik na ang normal na suplay ng kuryente sa may 2,072,095 o 87.67% ng kabuuang 2,363,504 affected households sa 19 na lalawigan.

Ayon kay NEA Administrator Edgardo Masongsong, nagpapatuloy pa ang restoration sa nalalabing 291,409 kabahayan sa mga lalawigan ng Cagayan, Ilocos Norte, Abra, Kalinga, Apayao, Benguet, Isabela, Ilocos Sur, Quirino, Nueva Vizcaya, Mountain Province, Ifugao at Aurora.

Samantala, umakyat pa sa 218.263 ang tinatayang pinsala sa mga distribution facilities ng 22 Electric Cooperative dahil sa nagdaang bagyo.

Pinakamalaking pinsala ay dinanas ng Cagayan I Electric Cooperative, Inc., sinundan ng Cagelco II, Benguet Electric Cooperative, Inc., Abra Electric Cooperative, Ilocos Norte Electric Cooperative, Inc. at Isabela II Electric Cooperative. | ulat ni Rey Ferrer