Pagbakuna sa mga DILG officials at mga empleyado, nagsimula na rin ngayong araw

Pinasimulan na rin ngayong araw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang vaccination sa kanilang mga opisyal at empleyado.

Kasama sa A4 category ang binigyan ng bakuna kabilang ang mga frontline personnel sa essential sectors at uniformed personnel.
 
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, hinati sa tatlong araw ang vaccination rollout sa DILG central office.

Unang tinurukan ng bakuna ang 284 personnel na regular na pumapasok sa trabaho kabilang sina DILG Undersecretary Epimaco Densing III, Assistant Secretary Manuel Felix, at Assistant Secretary Florida Dijan.
 
Sa ikalawang araw naman bibigyan ng bakuna ang 311 empleyado na nasa work from home status kabilang ang mga personnel mula sa Local Government Academy, DILG Multi-Purpose Cooperative, Philippine Councilors League, Commission on Audit Field Office, at Civil Service Commission Field Office.
 
Sa ikatlong araw ay babakunahan ang iba pa kabilang ang DILG MIMAROPA personnel at immediate family members ng DILG central office personnel.