Pagbabayad ng SSS contribution, pinalawig hanggang November 30

Pinahaba pa ng Social Security System (SSS) ang panahon para bayaran ng mga miyembro ang kanilang kontribusyon.

Sa Memorandum Circular na inilabas ni SSS President at CEO Aurora Ignacio, hanggang November 30 ay maaaring magbayad ng kontribusyon na walang penalty.

Sakop ng kautusang ito ang hindi nabayarang SSS contribution, mula February hanggang October dahil sa pandemya.

Kabilang sa mga tinukoy ng SSS ang employees contribution, self-employed, voluntary, non-working spouses member, at mga kasambahay.

Maging ang mga employer SSS approved installment proposal, ay binigyan din ng hanggang katapusan ng buwan ng November.

Ngunit dahil papatak na holiday o Bonifacio Day ang November 30, maaari pa ring bayaran ang mga nabanggit na kontribusyon sa December 1 ng walang penalty.