Pagbabayad ng buwis at iba pang bayarin sa Navotas, pinalawig ng LGU

Pinalawig pa ng Pamahalaang lungsod ng Navotas ang deadline ng pagbabayad ng buwis at iba pang bayarin hanggang May 15 ngayong taon.

Ginawa ito ng local government unit (LGU) kasunod ng extension ng modified enhanced community quarantine sa NCR plus kung saan kabilang ang Metro Manila.

Sa inaprubahang city ordinance ng Sangguniang Panlungsod, kabilang sa pinalawig na deadline ang pagbabayad ng business tax at permit para sa ikalawang quarter, real property tax para sa unang quarter ng taon.

Kasama din sa pinalawig ang Tax on transfer of real property ownership.

Gayundin ang mga bayarin sa permit tulad ng permit to operate for tricycle, pedicab at e-bikes,regular sticker para sa public utility jeepney na may plate number na nagtatapos sa 3 at iba pang bayarin.