Pagbabawal sa ‘child marriage’ sa bansa, kinatigan ng House Committee on Women and Gender Equality

Inaprubahan ng House Committee on Women and Gender Equality ang substitute bill na magbabawal at magdedeklara bilang iligal ang “child marriage” sa bansa.
 
Nakasaad sa panukala ang pagpapabuwag sa lahat ng traditional at cultural practice ng child marriage na nagiging daan para maabuso at ma-discriminate ang mga kabataan mapababae man o lalaki.
 
Kasama rin sa mga ipapawalang bisa ang mga child marriages na ginawa kahit wala pa ang batas.
 
Itinutulak din ng panukala ang pagkakaroon ng mga programa na tutuldok sa child marriage sa ating bansa.
 
Oras na maisabatas, mahaharap na sa mabigat na parusa ang mapatutunayang lalabag dito.
 
Batay sa United Nations Children’s Fund o UNICEF, ang Pilipinas ang pang-12 sa mga bansa sa mundo na may pinaka-maraming child brides na umaabot sa 726,000.