Pagbabakuna sa minors, sisimulan sa 4th quarter ng 2021 — Sec. Galvez

Posibleng sa October pa masimulan ng pamahalaan ang pagbabakuna nito sa mga menor de edad.

Ayon kay National Task Force (NTF) Chief Implementer at Secretary Carlito Galvez Jr., sa 4th quarter ng 2021 ang target ng pamahalaan para sa pediatric vaccination.

Sa panahon na ito, inaasahan aniya na may sapat at steady supply na ng COVID-19 vaccines sa bansa.

Sa ngayon, dahil mababa pa ang suplay uunahin muna aniya ang adult population partikular ang A1-A3.

Inaasikaso naman na umano ang pag-procure sa 60 milyong vaccine doses, na kakaialangin para sa nasa 29 milyong kabataan na may edad 17 pababa.

Bukod dito, pinag-aaralan pa rin ng vaccine experts ang iba pang brand ng bakuna na maaaring ibigay sa mga menor de edad.