Pagbabakuna sa tourism frontliners sa Batangas at kalapit rehiyon, pasisimulan na rin

Aarangkada na ang vaccination program para sa mga tourism frontline workers sa mga hotels at accommodation establishments sa lalawigan ng Batangas at iba pang lugar sa Calabarzon areas o Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.

Kasunod nito ng pag-apruba ng National Task Force Against COVID-19 na maisama sa A1.3 priority group ng National COVID-19 Vaccination Deployment Plan ang mga Tourism frontliners.

Mula sa A4.6 category, una nang hiniling ng Department of Tourism (DOT) na isama sa mauunang maturukan ng bakuna ang frontliners na nagtatrabaho sa mga quarantine o isolation facility at iba pang accommodation establishments.

Sa inilabas na Memorandum Circular ng Department of Tourism-Region 4A, kailangan lang makipag-ugnayan sa kanilang local government units ang mga tourism frontliners para maisama sa vaccination schedule at pre-registration ng immunization program.