Pagbabakuna sa mga kabilang sa kategoryang A4, sisimulan na bukas sa Navotas City

Pasisimulan na bukas sa Navotas City ang vaccination sa mga economic frontliners na nasa kategorya ng A4 list, mga residente at nagtatrabaho sa lungsod.

Pinayuhan na ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang mga nasa kategorya na magparehistro na sa https//covax.navotas.gov.ph para maisama sa libreng bakuna laban sa COVID-19.

Samantala, nakapagtala pa ang lokal na pamahalaan ng panibagong pitong kumpirmadong positibo sa COVID-19 at sampu naman ang nadagdag sa mga gumaling.