Pagbabakuna sa health workers sa buong bansa, nasa 100% na

Malapit nang matapos na mabakunahan ang lahat ng health workers sa buong Pilipinas.

Ayon sa Department of Health (DOH), 97 percent na ang nabakunahan kontra COVID-19 sa mga healthcare worker sa National Capital Region (NCR), habang 85 percent na rin ng healthcare workers ang bakunado sa buong bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang natitirang 15 percent healthcare workers na karamihan ay nasa probinsya ay nagdadalawang-isip pa rin sa pagbabakuna.

Sa ngayon, nakapagbakuna na ang Pilipinas ng halos 4.5 milyong dosage ng bakuna laban sa COVID-19.