Pagbabakuna sa A4 Priority List, sinimulan na sa San Nicolas, Batangas

Nagsimula nang magbakuna ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas, Batangas sa A4 priority list kontra COVID-19.

Ito’y matapos inanunsyo ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases, na pwede nang magbigay ng bakuna sa mga essential workers.

Ayon kay San Nicolas Mayor Lester de Sagun, pawang mga manggagawa ng lokal na pamahalaan ang binigyan ng bakuna upang agad maibalik sa normal ang kanilang manpower.

Simula kasi noong pumutok ang Bulkang Taal at nagkaroon ng pandemya, naging skeletal Force ang manpower ng munisipyo ng San Nicolas.

Kung kaya’t ngayong pinapayagan na ang pagbabakuna sa A4 priority list, agad niya itong sinimulan sa kanilang mga empleyado.

Samantala, kahit mayroong pagbabakuna sa A4 priority list, tuloy pa rin daw ang pagbibigay nila ng bakuna sa A1 hanggang A3 priority list.