Pag-release ng 2019 nat’l budget, pinamamadali para sa pagsulong ng ekonomiya

Nagbaba ng mandato si Pangulong Rodrigo Duterte na pabilisin ang pag-release ng mga pondong nasa ilalim ng 2019 national budget upang magamit na at magtuloy-tuloy ang pagsulong ng mga proyektong pinaglaanan nito.

Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, dahil sa naranasang pagkaantala ng pagpasa ng budget para sa 2019, kailangang maisulong ang pagrelease at paggastos ng national budget upang maka-recover ang pamahalaan sa naranasang growth slump.

Ayon kay Avisado, nagpahayag na ng commitment ang Department of Transportation (DOTr) ng paggastos ng P53 billion mula Hulyo hanggang Disyembre ngayong taon, habang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) naman ay ipinangako ang paggastos ng P542.6 billion. Ang mga halagang ito ay kapwa higit sa kalahati ng budget na inilaan sa kanila para sa 2019.

Samantala, sinabi naman ni Avisado, na naisama na nila bilang factor sa 2020 national budget ang inaasahang karagdagang income tax collection mula sa Trabaho bill kahit na nakabinbin pa ito sa kongreso.

Binigyang diin ng kalihim, na mag-aambag ito sa patuloy na pag-unlad ng ating ekonomiya, kaya’t gagawin nila ang kanilang makakaya upang ipaliwanag at isulong ang programang ito.

HAPPENING NOW: DBM Press Briefing of Acting Secretary Avisado

Posted by Department of Budget and Management on Monday, August 26, 2019