Pag-refuel ng Chinese military aircraft sa Davao, normal lang – DND Secretary Lorenzana

Ito ang binigyang diin ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, na nagsabing maging ang Philippine Air Force ay nagpapa-refuel sa ibang mga bansa.

Paliwanag ng kalihim, nagpaalam sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Chinese aircraft at pinahintulutan naman itong lumapag sa bansa.

Pero inamin ni Lorenzana na nalaman na lang niya ito nang makalapag na ang Chinese military transport plane sa Davao.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang naturang eroplano ay nagmula sa Australia patungo ng China nang mangailangan nitong mag-refuel sa Davao. | ulat ni Leo Sarne