Pag-imbentaryo ng pondo at proyekto ng mga talunang kandidato, prayoridad ng DILG — Usec Martin Diño

Mangangailangan ngayon ng maraming accountant at abogado ang Department of Interior and Local Government.

Sa media forum, inanunsyo ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na pasisimulan na nila ang pag-imbentaryo sa pondo at proyekto ng mga natalong barangay captain.

Kasunod ito ng mga reklamo na may barangay na overpriced ang kanilang mga proyekto.

Isa sa inihalimbawa ni Diño ang isang barangay na ang isang walis tingting ay binili sa presyong P300 isang piraso at proyektong basurahan na ginastusan ng halos P1 milyong piso.

Aniya, dapat maipatupad ang imbentaryo sa transition ng pag-turn over ng pamunuan sa papasok na bagong halal na chairman ng barangay. | via Rey Ferrer