Pag-atras ni dating Presidential Spox Roque sa pagka-senador, nirerespeto ng Palasyo

Inirerespeto ng Malacañang ang desisyon ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque, na umatras sa kaniyang kandidatura sa pagka-senador.

Kasunod ito ng payo ng doctor kay Roque na kailangan nitong magpahinga ng dalawang buwan, at iwasan ang mapagod, matapos na sumailalim sa operasyon sa puso.

Sa maikling reaksyon, sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo na may karapatan naman ang sinuman na magbago ng desisyon.

Matatandaang si Panelo ang ipinalit ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kaniyang tagapagsalita nang magpasya noon si Roque na tumakbo sa senado.

Pansamantala ay si Panelo ang tumatayong spokesperson, habang hindi pa napa-plantsa ang executive order na lumilikha ng Office of the Press Secretary.  | ulat ni Racquel Bayan