Pag-aresto sa 5 CPP-NDF leaders, malaking dagok sa NPA – AFP Chief

Malaking dagok sa recruitment activities ng New People’s Army (NPA) ang pagkakaaresto kahapon sa limang National Democratic Front (NDF) leaders.

Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Carlito Galvez Jr., pagkatapos ng Joint Peace and Security Coordinating Committee meeting ng Philippine National Police (PNP) At AFP sa Camp Crame ngayong umaga.

Ayon kay Galvez, itinuturing nilang major accomplishment ang pagkakaaresto kay Adelberto A. Silva, ang pinuno ng National Organizational Department (NOD) ng CPP-NPA, na isa sa mga pinalayang NDF consultants noong taong 2016.

Si Silva ay naaresto sa isang joint AFP-PNP operation kahapon ng ala-1:30 ng hapon sa Sta. Cruz Laguna, kasama ang apat na iba pang CPP-NPA-NDF members.

Kinilala ni PNP Spokesperson Csupt Benigno Durana ang iba pang mga kasama ni Silva na inaresto na sina:

Edicel Rodriguez Legaspi, @JDF/KOBE/TRIKE Secretary, Southern Tagalog Regional Party Committe ng NPA;

Isang alyas “Onyong”, na support staff ng NOD;

Isang alyas “Batu”, dating Deputy Secretary at kasalukuyang miyembro ng NOD;

at isang alyas “Wena” Secretary, National Women’s Bureau.

| ulat ni Leo Sarne