Pag-apruba ng Pangulo sa P1B pisong pambili ng firefighting equipment, inanunsyo ni bagong talagang DILG OIC, Usec. Eduardo Año

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Año na ang improvement ng equipment at mga facilities ng mga frontline agencies na nasa ilalim ng DILG tulad ng PNP, BJMP at BFP ang isa sa kanyang mga pagtutuuan ng pansin.

Inanunsyo ni bagong talagang DILG Officer in Charge, Undersecretary Eduardo Año ang pag-apruba ng Pangulo sa isang bilyong pisong budget para ipambili ng bagong firefighting equipment.

Ang pahayag ay ginawa ni Año sa ceremonies turnover ng pamunuan ng DILG ngayong hapon kung saan pinalitan ni Año sa pamunuan ng DILG si Usec. Catalino Cuy na inappoint ng Pangulo bilang chairman ng Dangerous Drugs Board.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Año na ang improvement ng equipment at mga facilities ng mga frontline agencies na nasa ilalim ng DILG tulad ng PNP, BJMP at BFP ang isa sa kanyang mga pagtutuuan ng pansin.

Tiniyak ni Año na ibibigay niya ang lahat ng resources sa mga ahensyang ito para magampanan nila ng mas mahusay ang kanilang tungkulin, kapalit ng mas-striktong accountability sa kanilang trabaho.

Nagpasalamat si Año sa Pangulo sa P1B pisong pondong pambili ng mga bagong world-class firefighting equipment na kinabibilangan ng 2,500 gallon firetrucks.

Ito aniya ay malaking tulong sa paghahatid ng mas episyenteng serbisyo sa mga mamamayan.

Kasabay nito, pinuri ni Año ang BFP sa Cebu sa kanilang matagumpay na pagsusumikap na maapula ang sunog sa Ayala Mall sa Cebu na tumagal ng tatlong araw. | via Leo Sarne