Pag-amyenda sa ilang provision ng Revised Penal Code, tinalakay sa Kamara

Dininig na ng House Committee on Justice ang panukalang pag-amyenda sa ilang probisyon ng Revised Penal Code.

Una dito ang 5th paragraph ng Article 70, kung saan itinatakda na hindi dapat lalagpas sa apatnapung taon ang maximum na pagkakakulong ng isang kriminal.

Sa panukala ni Leyte 3rd District Representative at House Justice Committee Chairman Vicente Veloso III, isinusulong nito na itaas sa siyamnapung taon ang “life-imrpisonment”.

Pero hindi sang-ayon ang ilang mga mambabatas dahil tila nalalabag nito ang reformative at rehabilitative intention ng justice system.

Bukod naman dito ay tinalakay din ang panukala para naman sa pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga heinous crime.

Ilan sa mga krimen na nais patawan ng parusang bitay ay ang rape, kidnapping, illegal drugs at pandarambong.

Kasalukuyang may labing isang panukalang batas na nakahain sa kamara patungko lsa pagpapanumbalik ng death penalty.