Pag-amiyenda sa Human Security Act, sinusuportahan ng DILG

Pabor ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mungkahing pag-amiyenda sa Human Security Act of 2007.

Partikular na dito ang matagal na wiretapping at detention period.

Naniniwala si DILG Secretadry Eduardo Año na mas mapapahusay pa nito ang kapasidad ng gobyerno sa paglaban sa terorismo at matiyak ang kaligtasan at seguridad ng buong bansa .

Sinabi pa ng kalihim na ang terorismo ay isang coordinated crime na nakapako na sa mahabang panahon at maaaring matapatan lamang ito sa pamamagitan ng mga calculated strategies at intelligence efforts.

Aniya ang extended wiretapping at detention period ay magiging paborable sa panig ng gobyerno sa anti-terrorism campaign nito.

Dagdag pa ng kalihim, walang sinasanto ang mga terorista kaya kailangan tiyakin na handa ang pamahalaan na protektahan ang mga mamamayan.

Una nang inirekomenda ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana na palawakin ang permissible wiretapping at detention period.

Ang DILG ay bahagi ng Security, Justice and Peace Cluster, ang proponent government cluster na nangunguna sa pagbabago sa Human Security Act.