Pag-ako ng ISIS sa Jolo bombing, ispekulasyon hanggang walang pruweba

Ayaw patulan ng Palasyo ng MalacaƱang ang ginawang pag-ako ng ISIS sa nangyaring pagsabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo Sulu, na ikinamatay ng 28 tao at ikinasugat ng mahigit 100 iba pa.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mas mabuting makahawak na muna sila ng matibay na ebidensiya bago magbigay ng anumang pahayag tungkol sa ginagawang pag-ako ng nasabing terrorist group.

Gumugulong na aniya sa kasalukuyan ang imbestigasyon, at maging sila ay naghihintay sa kalalabasan nito kaysa magbase sa ispekulasyon.

Ani Panelo, hindi muna sila magtuturo kung sino ang may pagkukulang at dapat na managot matapos tila malusutan ang tropa ng pamahalaan. Ito ay sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng seguridad dahil sa umiiral na Martial Law sa buong Mindanao. | ulat ni Alvin Baltazar