PAF, nakasisiguro na kumpleto at maayos ang maintenance ng mga C-130 aircraft

Nakasisiguro ang Philippine Air Force (PAF) na kumpleto at maayos ang mga maintenance procedures na ginagawa, para sa ligtas at maayos na flight operations ng mga C-130 aircraft.

Ito umano ay paglilinaw sa isyu na may mahinang maintenance ang mga C-130 aircraft ng Air Force, matapos ang insidente sa Patikul, Sulu.

Ayon sa 220th Airlift Wing, may sinusundang manual para sa maintenance ng mga C-130, kung saan nakapaloob ang mandatory at preventive maintenance upang masiguro ang airworthiness ng mga ito.

Bukod dito, may inisyatibo ang PAF na mula kada 100 hours, ay nagkakaroon sila na 75 hours, 50 hours at 25 hours inspection upang masiguro ang safety at airworthiness ng mga C-130.

May mga time change items din na religiously sinusunod ng PAF, gaya ng engine na pagkaabot sa 5,500 flying hours ay pinapalitan na.

Ang ilang components din ng eroplano ay pinapalitan na kahit hindi pa ito nakaabot sa 5,500 flying hours.

Mayroon din Structural Maintenance Program, kung saan dumadaan sa masusing procedure upang masiguro ang integridad ng mga C-130 aircraft.

Ito anila ay regular nilang isinasagawa, upang hindi mapabayaan ang maintenance ng mga C-130, at masiguro ang maayos na operations ng mga C-130 aircraft.

Hindi dapat umano akusahan ang PAF, na may mahina itong maintenance para sa mga sasakyang panghimpapawid.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng insidente.