Packaging ng alcopop drink, pinasisilip sa DTI ni Sen. Go

Hihilingin na ni Senator Bong Go sa Department
of Trade and Industry (DTI) na tingnan ang packaging ng alcopop drink.

Sa panayam ng media, sinabi ni Go na dapat maging malinaw kung ang produkto ay isang alcoholic drink o purong juice lamang.

Matamis aniya ang lasa pero may epekto ng pagkahilo sa kalaunan, na hindi tamang inumin ng kabataan.

Mayroon itong alcohol content na 7% sa 200ml pack, na halos kapareho na sa popular na beer brand na may 7.2 % alcohol content.

Nais malaman ni Go sa DTI kung nasusunod ng manufacturer ang batas ukol sa paggawa ng non alcoholic drinks.

Pagtiyak pa ng senador, na kung kinakailangan pang magpatawag siya ng imbestigasyon ukol dito ay agad niyang gagawin.

Si Go ay bumisita kanina sa mga pamilyang nasunugan sa Greenland Subdivision sa Cainta Rizal, at nagpaabot ng kanyang tulong kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan.